Dagdag presyo sa produktong petrolyo epektibo na

Epektibo na ngayong umaga ang dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo.

May dagdag na 20 centavos sa presyo ng kada litro ng gasolina at 5 centavos ang dagdag sa kada presyo ng diesel at 45 centavos ang dagdag sa presyo ng kerosene.

Epektibo alas 6:00 ng umaga ngayong araw (Sept. 29) ang dagdag presyo ng mga kumpanyang Shell, Petron, Flying V, PTT, Phoenix Petroleum, Uniol at Petro Gazz.

Alas 12:01 naman ng umaga nauna nang nagpatupad ng oil price hike ang kumpanyang Chevron.

Nagpa-abiso naman ang kumpanyang Cleanfuel na wala itong ipatutupad na paggalaw sa presyo ng kanilang produkto. (END)

 

 

 

 

Read more...