Bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

Isang bagyo sa labas ng bansa ang binabantayan ng PAGASA.

Ang tropical depression ay huling namataan sa layong 2,570 kilometers east ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Aon sa PAGASA kung magpapatuloy ang direksyon ng bagyo, malabong pumasok ito sa bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, dahil sa habagat, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Occidental Mindoro, Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan at Sulu.

Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa mainit at maaliwalas na panahon ang iiral at makararanas lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

 

 

Read more...