Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 37,984

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (September 28, 3:00 PM) nakapagtala ng 560 na bagong kaso kaya pumalo na sa 37,984 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 10,261
Laguna – 11,990
Batangas – 6,692
Rizal – 7,246
Quezon – 1,795

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 17,324.

Nasa 19,768 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 247 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 5,793
Laguna – 6,335
Batangas – 3,742
Rizal – 2,716
Quezon – 1,182

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 11 kaya umabot na sa 892 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 227
Laguna – 216
Batangas – 166
Rizal – 226
Quezon – 57

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

 

Read more...