Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 6,567

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, September 76), nadagdagan ng 67 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 6,567.

Sa nasabing bilang 1,051 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nanatili sa 278.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 7,896 na.

 

 

 

Read more...