COVID-19 cases sa Western Visayas, lagpas 11,000 na
Nagpositibo ang 247 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang September 28, umakyat na sa 11,215 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
4,107 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 71.61 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
69 naman ang gumaling pa kaya 6,867 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 241 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.