“No Beep card, no ride” policy, ipatutupad sa EDSA busway simula sa Oct. 1

By Angellic Jordan September 28, 2020 - 06:41 PM

Ipatutupad na ang “no Beep card, no ride” policy sa mga pasahero ng EDSA Busway System, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Base sa anunsiyo ng kagawaran, magsisimula ang implementasyon nito sa araw ng Huwebes, October 1.

Bahagi ito ng hakbang ng DOTr para sa cashless transactions na makatutulong na mabawasan ang physical contact sa pagitan ng mga pasahero at service providers.

Maliban dito, makatutulong din itong mabawasan ang posibilidad na mahawa ng COVID-19.

Sa ganitong paraan, magiging mas mabilis na rin ang transaksyon at mababawasan ang paghihintay ng mga pasahero.

TAGS: cashless transaction public transport, Cashless transactions EDSA Busway System, dotr, Inquirer News, No Beep card no ride police, Radyo Inquirer news, cashless transaction public transport, Cashless transactions EDSA Busway System, dotr, Inquirer News, No Beep card no ride police, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.