Magnitude 3.3 na lindol, naramdaman sa South Cotabato
By Angellic Jordan September 28, 2020 - 04:56 PM
Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol sa bahagi ng South Cotabato.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 12 kilometers Northwest ng Tupi.
Naramdaman ang pagyanig bandang 4:09 ng hapon.
May lalim ang lindol na 32 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang naitalang pinsala sa Tupi at karatig-bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.