Magkasunod na magnitude 3.7 at 3.8 na lindol naitala sa Bayabas, Surigao del Sur

Nakapagtala muli ng may kalakasang pagyanig sa Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs naitala ang magnitude 3.7 na lindol alas 11:02 ng umaga ngayong Lunes, Sept. 28 sa 89 kilometers southeast ng Bayabas.

Alas 11:08 naman ng umaga o ilang minuto lang ang nakalipas nang maitala ang magnitude 3.8 na lindol sa 117 kilometers southeast ng naturang bayan pa din.

Kapwa tectonic ang origin ng dalawang lindol.

Wala ring naitalang intensities at hindi ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...