Bawasan ang curfew hours, extend business hours – Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio September 28, 2020 - 11:32 AM

Iginiit ni Senator Imee Marcos na hind lockdown ang paraan para mapigilan ang pagkalat ng COVID 19 at ito pa aniya ang nakakadagdag sa paghihirap ng mga mahihirap.

Katuwiran ng senadora dahil sa lockdown nasa bahay lang ang mga tao kung saan aniya kadalasan ay hindi naman nasusunod ang physical distancing at hindi pa sila makapag-hanapbuhay.

Naniniwala ang namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs, final option na lang ang pagpapatupad ng lockdown sa mga komunidad na mataas ang infection rate at hindi sumusunod sa health protocols.

Aniya ang dapat gawin ng gobyerno ay buksan pa ang mga pampublikong lugar, paigsiin ang curfew hours at habaan naman ang oras ng pagnenegosyo.

Ayon pa kay Marcos maaring baka makakabuti pa kung pagkatapos ng oras ng trabaho ay isara ang mga kalye para sa mga sasakyan at hayaan ang mga tao na gawin ang mga dapat nilang gawin.

Dagdag pa nito, maaring buksan na rin ang mga parke, stadiums at auditoriums.

Kapag binawasan naman aniya ang oras ng curfew hindi na magmamadali umuwi ang mga nagta-trabaho at hindi na sila magsisiksikan sa mga pampublikong sasakyan at mababawasan ang traffic.

Sinabi pa ni Marcos na kung hahabaan naman ang oras ng mga negosyo, maiiwasan din ang pagdagsa sa mga palengke at iba pang pamilihan dahil sa paghahabol sa oras.

Nabanggit din nito na dapat 24 oras ang pamamahagi ng ayuda ng gobyerno para maiwasan ang napakahabang pila ng mga benipisaryo.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, curfew hours, department of health, general community quarantine, Health, Imee Marcos, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, curfew hours, department of health, general community quarantine, Health, Imee Marcos, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.