Maripipi, Biliran niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Biliran.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers southwest ng Maripipi, alas-10:31 umaga ng Lunes (September 28).

May lalim na 11 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...