Health protocols sa mga bibiyaheng provincial bus pinatitiyak

Pinatitiyak ng inter-agency task force on emerging infectious diseases sa mga operator ng provincial bus na masusunod ang health protocols na itinakda ng pamahalaan konta COVID-19.

Pahayag ito ng IATF kaugnay sa pagbabalik operasyon ng ruta ng labing dalawang provincial bus sa Sept. 30.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, co-chairman ng IATF, sa ganitong paraan, masisiguro na hindi magiging carrier ng virus ang mga pasahero.

Kailangan din aniya na maganda ang koordinasyon ng mga local government units at mga bus operator.

Simula sa Sept. 30 balik operasyon na ang 12 ruta ng provincial buses.

Kabilang na rito ang:

1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City
2. Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)
3. Lemery, Batangas – PITx
4. Lipa City, Batangas – PITx
5. Nasugbu, Batangas – PITx
6. Indang, Cavite – PITx
7. Mendez, Cavite – PITx
8. Tagaytay City, Cavite – PITx
9. Ternate, Cavite – PITx
10. Calamba City, Laguna – PITx
11. Siniloan, Laguna – PITx
12. Sta. Cruz, Laguna – PITx

 

 

Read more...