Pasok sa executive branch ngayong araw hanggang alas 3:30 lang ng hapon

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2020 - 10:49 AM

Hanggang alas 3:30 lang ng hapon ang pasok sa mga tanggapan na nasa ilalim ng executive branch ngayong araw, Sept. 28.

Sa inilabas na memorandum circular ni Executive Secretary Salvador Medialdea, maagang pinapauwi ang mga empleyado ng gobyerno bilang paggunita sa Kainang Pamilya Mahalaga Day.

Ang maagang suspensyon sa pasok sa gobyerno ay para mabigyang pagkakataon ang mga empleyado na makasalo sa hapunan ang kanilang pamilya.

Hinihikayat ang lahat na ipagdiwang ang Kainang Pamilya Mahalaga Day ngayong araw sa pamamagitan ng sabayang pagkain.

 

 

 

TAGS: executive branch, Inquirer News, Kainang Pamilya Mahalaga Day, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, work suspension, executive branch, Inquirer News, Kainang Pamilya Mahalaga Day, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.