Central Visayas, nakapagtala ng 52 pang kaso ng COVID-19

Nakapagtala pa ng 52 kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang September 27, 2020 ay 20,827 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,713 ang aktibong kaso.

Umabot sa 13 ang bagong gumaling kung kaya 17,853 na ang COVID-19 recoveries sa rehiyon.

Nananatili naman sa 1,261 ang bilang ng mga nasawi sa Central Visayas.

 

 

 

Read more...