Global cases ng COVID-19 mahigit 33.3 million na
Umabot na sa mahigit 33.3 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes (Sept.26) ay 33,303,209 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 250,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 32,600 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 82,700 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala ng dagdag na 14,100 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 7,321,343
India – 6,073,348
Brazil – 4,732,309
Russia – 1,151,438
Colombia – 813,056
Peru – 805,302
Spain – 735,198
Mexico – 730,317
Argentina – 711,325
South Africa – 670,766
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.