Rockfall events naitala sa Mt. Mayon sa magdamag

Nakapagtala ng dalawang rockfall event ang Phivolcs sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa volcano bulletin ng Phivolcs na inilabas ngayong Lunes (Sept. 28), nagbuga din ang Mayon ng kulay puting steam-laden plumes na umabot sa 200 meters ang taas.

Nakapagtala din ang Phivolcs ng dalawang volcanic earthquake sa Mt. Mayon.

Noong Sept. 20 ang sulfur dioxide na naitala sa bulkan ay umabot sa 506 tonnes per day ang average.

Nananatili sa Alert Level 1 ang alert status ng bulkan.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng Phivolcs na bawal pa din ang papasok sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan.

May mga panganib pa rin kasi ng rockfalls, landslides, ash puffs at phreatic eruptions sa Mt. Mayon.

 

 

 

Read more...