Manila LGU nagkasa ng libreng bakuna at deworming sa mga alagang aso
May ikinasang libreng pagbabakuna at deworming sa mga alagang aso ang Lungsod ng Maynila.
Bahagi ito ng pakikiisa ng lungsod sa kampanyang “End Rabies: Collaborate, Vaccinate.” ngayong World Rabies Day.
Sa tulong ng Veterinary Inspection Board (VIB), magsasagawa ng libreng bakuna at deworming a mga sumusunod na petsa at lugar:
Sept. 28 – District 2, Zone 15, 16
Sept. 29 – District 3, Barangay 312
Sept. 30 – District 1, Barangay 3
Oct. 2 – District 1, Barangay 59
Gagawin ang aktibidad mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.