Baguio City nakapagtala ng 44 na bagong kaso ng COVID-19; 17 sa bagong kaso mula sa iisang lugar

Umabot sa 44 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Baguio City kahapon, Sept. 27.

Ayon sa datos ng Baguio City Public Information Office, sa nasabing bilang, 17 ay mula sa iisang lugar lamang sa Lourdes Subdivision – Lower.

Sa ngayon ang total confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod ay 779 na.

Sa naturang bilang, 327 ang active cases, 12 ang pumanaw at 440 ang gumaling na.

 

 

Read more...