11 patay sa pamamaril sa nightclub sa Mexico

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2020 - 06:22 AM

Nasawi ang labingisang katao sa pamamaril na naganap sa isang nightclub sa Guanajuato state sa Mexico.

Ayon sa Mexican police, kabilang sa nasawi ang pitong lalaki at apat na babae.

Nangyari ang pamamaril sa isang club sa Jaral del Progreso.

Ang apat na nasawing babae ay nagtatrabaho sa nasabing club.

Mayroon namang isa pang nasugatan na dinala sa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon, anim na armadong lalaki ang dumating sa nightclub at saka namaril.

 

 

 

TAGS: Guanajuato state, Jaral del Progreso, Mexico, nightclub, Shooting Incident, Guanajuato state, Jaral del Progreso, Mexico, nightclub, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.