Western section ng Luzon apektado ng Habagat at ITCZ nakaaapekto naman sa Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2020 - 05:53 AM

Dalawang weather system ang umiiral sa bansa ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, apektado ng Habagat ang western section ng Luzon.

Habang intertropical convergence zone naman o ITCZ ang umiiral sa buong Mindanao.

Dahil sa Habagat, ang buong palawan ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Dahil naman sa ITCZ, maulap na kalangitan din na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Caraga at sa Davao Region.

Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, magiging maaliwalas ang panahon na may tsansa lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok o mabubuo sa loob ng bansa sa susunod na tatlong araw.

 

 

 

 

TAGS: habagat, Inquirer News, ITCZ, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, habagat, Inquirer News, ITCZ, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.