Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 4,509 na

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-6 ng gabi ng Linggo, September 27), nasa 4,509 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 5 ang nadagdag.

Wala namang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay nanatili sa 137.

Ang bilang naman ng active cases ay 233 kung saan 10 ang nadagdag.

Sa kabuuan umabot na sa 4,879 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

 

Read more...