Bilang ng mga nakarecover sa Muntinlupa City nadagdagan pa

By Mary Rose Cabrales September 28, 2020 - 04:45 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga naka-recover sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government (Linggo, September 27, 6:30PM), nasa 3,727 na ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa COVID-19.

Ang bilang ng active cases sa lungsod ay 344.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 141.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ay 4,212 na.

Samantala ang bilang ng probable ay 778 habang 267 naman ang suspected.

 

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, Muntinlupa, coronavirus, COVID-19, Health, Muntinlupa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.