Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 37,424

By Mary Rose Cabrales September 28, 2020 - 05:00 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (September 27, 3:00 PM) nakapagtala ng 279 na bagong kaso kaya pumalo na sa 37,424 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 10,213
Laguna – 11,897
Batangas – 6,540
Rizal – 6,979
Quezon – 1,795

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 17,022.

Nasa 19,521 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 163 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 5,793
Laguna – 6,295
Batangas – 3,697
Rizal – 2,563
Quezon – 1,173

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 4 kaya umabot na sa 881 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 227
Laguna – 214
Batangas – 163
Rizal – 220
Quezon – 57

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

TAGS: Batangas, cavite, coronavirus, COVID-19, doh, Health, laguna, Quezon, Rizal, Batangas, cavite, coronavirus, COVID-19, doh, Health, laguna, Quezon, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.