Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Martin Delgra, magiging point-to-point system din ang biyahe ng provincial bus.
Ibig sabihin, walang hinto-hinto mula sa terminal na pinagmulan ng biyahe hanggang sa destinasyon nito.
Ayon kay Delgra, pinayagan ang mga provincial bus na makabiyahe basta’t siguraduhin lamang na tatalima sa mga itinakdang patakaran.
Nasa 12 ruta ng provincial bus na ang pinayagan ng LTFRB at ito ay ang mga sumusunod:
1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City
2. Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)
3. Lemery, Batangas – PITx
4. Lipa City, Batangas – PITx
5. Nasugbu, Batangas – PITx
6. Indang, Cavite – PITx
7. Mendez, Cavite – PITx
8. Tagaytay City, Cavite – PITx
9. Ternate, Cavite – PITx
10. Calamba City, Laguna – PITx
11. Siniloan, Laguna – PITx
12. Sta. Cruz, Laguna – PITx