LTFRB, tiniyak na walang pagtaas sa pamasahe sa provincial bus na makakabiyahe na sa Sept. 30

September 27, 2020 - 10:18 PM

Walang pagtataas sa pamasahe sa mga provincial bus na papayagan nang makabiyahe sa Miyerkules sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Martin Delgra, magiging point-to-point  system din ang biyahe ng provincial bus.

Ibig sabihin, walang hinto-hinto mula sa terminal na pinagmulan ng biyahe hanggang sa destinasyon nito.

Ayon kay Delgra, pinayagan ang mga provincial bus na makabiyahe basta’t siguraduhin lamang na tatalima sa mga itinakdang patakaran.

Nasa 12 ruta ng provincial bus na ang pinayagan ng LTFRB at ito ay ang mga sumusunod:
1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City
2. Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)
3. Lemery, Batangas – PITx
4. Lipa City, Batangas – PITx
5. Nasugbu, Batangas – PITx
6. Indang, Cavite – PITx
7. Mendez, Cavite – PITx
8. Tagaytay City, Cavite – PITx
9. Ternate, Cavite – PITx
10. Calamba City, Laguna – PITx
11. Siniloan, Laguna – PITx
12. Sta. Cruz, Laguna – PITx

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.