Na-repatriate na overseas Filipinos, umabot na sa 195,224

Umabot na sa 195,224 na overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Filipinong apektado ng COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Naitala ang nasabing datos mula February hanggang 2:00, Linggo ng hapon (September 27).

Nitong nagdaang linggo, sinabi ng kagawaran na aabot sa 9,574 ang napauwing overseas Filipinos.

Sa kabuuang bilang na 195,224, 67,484 o 34.6 porsyento ang sea-based habang 127,740 o 65.4 porsyento ang land-based.

Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.

Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.

Read more...