Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 33 milyon
Umabot na sa mahigit 33 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 33,055,037 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 7,287,561 cases.
Sumunod na rito ang India na may 5,990,581 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 4,718,115 naman ang kaso sa Brazil habang 1,143,571 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Colombia – 806,038
– Peru – 800,142
– Spain – 735,198
– Mexico – 726,431
– Argentina – 702,484
– South Africa – 669,498
– France – 527,446
– Chile – 455,979
– Iran – 443,086
– United Kingdom – 429,277
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 998,721 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 24,406,122 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.