NCR at ilang bayan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan
Asahang patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lugar sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory dakong 2:03 ng haoon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Metro Manila, Pampanga, Quezon at Bataan.
Uulanin din ang Zambales partikular sa Botolan, Iba, Palauig, Masinloc, Canderlaria at Santa Cruz; Nasugbu, Batangas; San Jose at Capas, Tarlac.
Maaapektuhan din ang Norzagaray, Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso sa Bulacan; Maragondon, Ternate, Magallanes, at General Emilio Aguinaldo sa Cavite; Antipolo, Rizal.
Iiral din ang pag-ulan sa Santa Maria, Mabitac, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Biñan, Santa Rosa, Cabuyao at Calamba sa Laguna; General Tinio, Peneranda, Aliaga at Gapan sa Nueva Ecija.
Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.