China, hindi magpapatinag sa isyu ng soberenya sa South China Sea

 

Mula sa Inquirer.net

Walang balak ang China na hayaan ang ibang bansa na panghimasukan ang kanilang iginigiit na kapangyarihan at karapatan sa South China Sea.

Sinabi pa ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na ang pag-angkin ng isang bansa ng freedom of navigation sa nasabing rehiyon, ay hindi nagbibigay ng karapatan sa kanila na gawin kung anuman ang kanilang gustuhin.

Pinariringgan ni Wang sa kaniyang pahayag ang U.S. na nagpadala ng mga barko malapit sa bahaging mga pinagtatayuan ng isla ng China.

Pinabulaanan naman ng China ang mga binabatong alegasyon sa kanila kaugnay sa militarisasyon sa South China Sea sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga military facilities sa kanilang mga artificial islands.

Nilinaw naman ni Wang na ang ginagawa nila ay para sa mga sibilyan rin kaya maari itong bisitahin ng media mula sa ibang bansa.

Read more...