Bilang ng ridership sa apat na rail lines, umabot sa 15.75-M

Umabot sa mahigit 15.75 milyon ang bilang ng ridership ng apat na rail lines, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa kagawaran, ito ay simula nang magbalik-operasyon ang mga tren nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) phase 1 at 2 noong June 1.

Sa datos ng DOTr, nasa 15,758,123 ang ridership ng Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways.

Naitala ang nasabing bilang simula June 1 hanggang September 20.

Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines:
LRT-1 – 7,849,453
LRT-2 – 2,315,337
MRT-3 – 4,399,643
PNR – 1,193,690

Tuloy na ang operasyon ng mga nabanggit na rail lines sa ilalim ng partial, gradual at calibrated approach na may limitadong kapasidad, social distancing at sanitary measures.

Read more...