Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 36,837

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (September 25, 3:00 PM) nakapagtala ng 599 na bagong kaso kaya pumalo na sa 36,837 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 10,041
Laguna – 11,745
Batangas – 6,342
Rizal – 6,979
Quezon – 1,730

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 17,216.

Nasa 18,752 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 415 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 5,196
Laguna – 6,262
Batangas – 3,577
Rizal – 2,563
Quezon – 1,154

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 10 kaya umabot na sa 869 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 217
Laguna – 212
Batangas – 163
Rizal – 220
Quezon – 57

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

Read more...