Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes(September 25), umabot na sa 299,361 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 61,766 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,631 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
87 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9 porsyento ang asymptomatic; 1.2 porsyento ang severe habang 2.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Dahil dito, umakyat na sa 5,196 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 494 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 232,399 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.