LOOK: COVID-19 Complex binuksan sa Lakeshore Hotel sa Taguig

Binuksan na ang COVID-19 Complex sa Lakeshore Hotel sa Taguig City.

Nagsagawa ng inspeksyon sa pasilidad si Health Sec. Francisco Duque III.

Pinagsama-sama na sa pasilidad ang Swabbing Center, Isolation and Quarantine Site, at Molecular Laboratory.

“IATF, NTF and DOH are proud of this milestone. Asahan po ninyong ang National Government ay palaging handang tumulong sa inyo upang mas mapaigting pa natin ang ating laban kontra-COVID-19,” ayon kay Duque.

Sinabi ni Duque na mahalaga ang papel ng LGUs sa pagtugon ng bansa sa COVID-19.

Ang hakbang na ito aniya ng Taguig ay maaring maging halimbawa at sana ay pamarisan ng ibang mga LGUs.

 

 

Read more...