SKY subscribers hindi maaapektuhan ng emergency maintenance ng AAG

Tiniyak ng kumpanyang SKY na hindi maaapektuhan ang subscribers sa emergency maintenance ng international cable system.

Ayon sa pahayag ng SKY, nai-activate na nito ang kanilang back-up capacity.

Wala na umanong magiging epekto sa kanilang SKYFiber at SKYCable subscribers ang emergency maintenance activity ng Asia-America Gateway (AAG).

Kinumpirma din ng SKY na sa Sabado (Sept. 26) na lamang uumpisahan ng AAG ang aktibidad na tatagal hanggang sa September 30.

 

 

 

Read more...