Taxi driver at sinagasaan nitong MMDA constable, nagkaharap na

By Kathleen Betina Aenlle March 09, 2016 - 04:23 AM

 

Grig Montegrande/Inquirer

Nagkaharap na sa and Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang taxi driver ng Joannian Transport at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic constable na sinagasaan niya noong Lunes.

Pinara ni traffic constable Ronald Perez ang taxi na minamaneho ni Ramon Talan dahil sa isang violation, ngunit sa halip na tumigil, binundol niya pa si Perez na sumabit sa hood ng sasakyan.

Kumapit si Perez para hindi malaglag, ngunit sinadya ng driver na ipagewang-gewang ang takbo ng sasakyan para mahulog ang constable, na siya ring nangyari, at sinagasaan pa ni Talan ang kaliwang paa ni Perez.

Nangyari ito alas-6:20 ng umaga ng Lunes sa westbound lane ng Commonwealth Ave. flyover sa Quezon City, at na-record ng street camera ng MMDA ang buong pangyayari kung saan nakita ang plaka ng taxi na TXW-775.

Ayon kay Perez, pinakiusapan niya ang taxi driver na tumigil na, ngunit tumuloy pa rin ito.

Ngunit nang magkaharap ang dalawa sa LTFRB, iginiit ni Talan na hindi siya iyon at na maling tao ang nakuha ng ahensya dahil umalis siya sa garahe sa Marikina alas-5:30 ng umaga, at ang una niyang pasahero ay patungong Shaw Boulevard.

Sumipot rin doon ang liaison officer ng taxi na si Lyn Candilas at sinabing mayroon silang unit na may ganoong plaka pero ito ay isang Nissan Sentra at hindi Toyota tulad ng nakita sa video.

Hinala ni Calindas, ang taxing sumagasa kay Perez ay may “kambal-plaka”.

Gayunman, pinagpaliwanag pa rin ng LTFRB ang Joannian Transport kung bakit hindi nila dapat kanselahin ang kanilang prangkisa gayong isa sa kanilang mga driver ay nasangkot sa reckless driving.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.