Pagpasa sa panukalang pagbuo ng Department of Disaster resilience ipinamamadali sa Senado

By Erwin Aguilon September 25, 2020 - 11:35 AM

Hiniling nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez sa Senado na madaliin ang pagpapatibay sa panukala para sa paglikha ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Ayon kay Cayetano, isa sa mga pangunahing may-akda ng panukala, ang pagapruba sa panukala ay napakahalaga para sa pagtugon ng bansa sa natural disasters tulad ng pagbaha, bagyo at lindol kahit pa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nasa kamay na anya ng Senado para pagtibayin na ang landmark measure na maghahanda sa bansa na harapin ang mga kalamidad.

Umaasa naman si Romualdez na makikiisa ang Senado sa Kamara para sa tuluyang pagsasabatas ng panukala na itinuturing na mahalaga sa kapakanan at kaligtasan ng mga Pilipino.

Tiwala ang kongresista na ngayong taon din ay aaprubahan na ng Senado ang panukalang DDR.

Noong Martes, inaprubahan sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa pagbuo ng DDR na siyang magsisilbing national agency sa disaster preparedness, rehabilitation, rescue, response, recovery at reconstruction tuwing may kalamidad.

 

 

 

TAGS: Alan Peter Cayetano, Department of Disaster Resilience, Inquirer News, Martin Romualdez, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alan Peter Cayetano, Department of Disaster Resilience, Inquirer News, Martin Romualdez, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.