DOH magkakasa ng malawakang pagbabakuna kontra tigdas at polio
By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2020 - 11:28 AM
Ngayong may pandemya ng COVID-19, sinabi ng Department of Health (DOH) na nakababahala rin ang banta ng pagkakaron ng measles outbreak at ang patuloy na pagkalat ng polio.
Ayon sa DOH, maari itong maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Kaugnay nito ay hinimok ng kagawaran ang mga magulang na makibahagi sa dagdag na pagbababakuna kontra rubella, polio, at tigdas.
Ikakasa muli ang malawakan at libreng pagbabakuna ng DOH sa mga batang wala pang limang taong gulang simula sa October 26, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.