Global death toll sa COVID-19 mahigit 987,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2020 - 10:55 AM

Sumampa na sa 987,724 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, sumampa na sa 207,538 ang bilang ng mga nasawi sa US.

Umabot naman na sa mahigit 139,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 92,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 75,000.

Umabot naman na sa mahigit 23.9 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7.4 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 207,538
Brazil – 139,883
India – 92,317
Mexico – 75,439
UK – 41,902
Italy – 35,781
France – 31,511
Peru – 31,938
Spain – 31,118
Iran – 25,015

 

 

 

TAGS: COVID-19, death toll, global death, COVID-19, death toll, global death

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.