World Environmental Health Day 2020 ginugunita ngayong araw

Ginugunita ngayong araw, Sept. 25 ang World Environmental Health Day 2020.

May mga inilatag na aktibidad ang Department of Health (DOH) para dito.

Kabilang dito ang webinar series na tatalakay sa pagkakaroon ng malusog na kapaligiran ngayong mayroong pandemya.

Hinimok ng DOH ang publiko na makilahok sa nasabing webinar.

“Dito ay tatalakayin natin kung bakit mahalaga ang malinis na kapaligiran sa pangangalaga sa ating kalusugan,” ayon sa DOH.

Tatalakayin din sa webinar ang Routes of Transmission ng COVID-19 at ang pagiging epektibo ng pagsusuot ng face mask at face shield.

 

 

 

Read more...