Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, maari nang mag-resume ang liga at gagawin ito sa ilalim ng tinatawag na “bubble environment” sa Clark, Pampanga.
Inaprubahan ng IATF ang PBA Bubble batay sa istriktong protocols na inilatag ng liga.
Ayon kay Vince Dizon, presidente at CEO ng Bases Conversion and Development Authority, mas hinigitan pa ng PBA ang mahigpit na protocols na inirerekomenda ng Games and Amusements Board (GAB) at ng Department of Health (DOH).
Sa ilalim ng PBA protocols, lahat ng manlalaro, team officials, media at league staff na sakop ng PBA bubble ay required na sumailalim sa swab testing limang araw bago sila pumasok sa bubble environment.
Sasailalim din sila sa istriktong home quarantine bago pumasok sa Clark.
Kahit mag-negatibo sa test, ang mga kasali sa two-month bubble ay isasailalim pa muli sa swab-test kapag nakapasok na sa Clark.
Dahil sa double-testing requirement, inaasahang sa Oct. 11 pa makapagbubukas ang liga.