Global cases ng COVID-19 mahigit 32.3 million na
Umabot na sa mahigit 32.3 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes (Sept.25) ay 32,394,821 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 307,953 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 44,700 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 92,300 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala ng dagdag na 32,100 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 7,184,845
India – 5,816,103
Brazil – 4,659,909
Russia – 1,128,836
Colombia – 790,823
Peru – 782,695
Mexico – 710,049
Spain – 704,209
Argentina – 678,266
South Africa – 667,049
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.