Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 177.58 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (September 25) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 177.37 meters.
Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.37 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.94 meters habang bahagya namang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.28 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 79.34 meters.
Samantala, ang water level ng Binga, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, San Roque at Caliraya dams.
MOST READ
LATEST STORIES