Slaughterhouse sa Baguio City nakapagtala ng 15 pang bagong kaso ng COVID-19; hard lockdown iniutos ni Mayor Magalong
Ipinag-utos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagpapatupad ng hard lockdown sa Barangay Sto. Niño-Slaughter.
Kasunod ito ng patuloy na pagkakaroon ng clustering ng kaso ng COVID-19 sa naturang lugar.
Sa 52 na bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa lungsod kahapon, 15 ay mula sa Sto. Niño-Slaughter ayon sa Baguio City-PIO.
Alas 7:00 ng umaga ngayong Biyernes (Sept 25) ang simula ng lockdown.
Tatagal ito hanggang sa October 4, 2020.
Sa kasagsagan ng lockdown ay magsasagawa ng contact tracing.
Lahat ng residente ay hindi papayagang lumabas sa compound maliban na lang kung may emergency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.