Sa abiso ng network, magsisimula ang maintenance alas 9:00 ng umaga sa Sabado at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga ng September 30.
Tiniyak ng PLDT na sa naturang mga oras at petsa, ang mga customer ng Smart at PLDT ay hindi mawawalan ng internet connection.
May mga naihanda umanong alternative cable systems para masigurong tuloy ang internet service.
Ayon sa network maari pa ring magamit ang video at voice calls sa kasagsagan ng emergency maintenance.
Tiniyak ng PLDT at Smart na walang epekto sa internet connection ang maintenance activity at sapat ang kanilang kapasidad para magpatuloy ang internet service sa bansa.