Emergency maintenance sa Sabado na uumpisahan; PLDT at Smart customers tiniyak na hindi mawawalan ng internet connection

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2020 - 06:08 AM

Sa halip na ngayong araw, bukas na lamang araw ng Sabado (Sept. 26) uumpisahan ang emergency maintenance sa submarine cable systems ng PLDT.

Sa abiso ng network, magsisimula ang maintenance alas 9:00 ng umaga sa Sabado at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga ng September 30.

Tiniyak ng PLDT na sa naturang mga oras at petsa, ang mga customer ng Smart at PLDT ay hindi mawawalan ng internet connection.

May mga naihanda umanong alternative cable systems para masigurong tuloy ang internet service.

Tiniyak ng PLDT at Smart na maaring magpatuloy sa online classes ang mga mag-aaral at ang mga negosyo ay maaring normal na mag-operate.

Ayon sa network maari pa ring magamit ang video at voice calls sa kasagsagan ng emergency maintenance.

Tiniyak ng PLDT at Smart na walang epekto sa internet connection ang maintenance activity at sapat ang kanilang kapasidad para magpatuloy ang internet service sa bansa.

 

 

 

 

TAGS: BUsiness, emergency maintenance, Inquirer News, News in the Philippines, pldt, Radyo Inquirer, Smart, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, emergency maintenance, Inquirer News, News in the Philippines, pldt, Radyo Inquirer, Smart, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.