Ang LPA ay huling namataan sa layong 615 kilometers East ng Baler, Aurora.
Ayon sa PAGASA, dalawang scenario ang tinitignan nila sa LPA.
Una ay maaring malusaw ito sa susunod na 36 hanggang 48 oras.
At ikalawa ay ang posibleng maging ganap itong bagyo dahil nananatili pa ito sa karagatan.
Sa weather forecast ngayong araw, ang MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region at Western Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa LPA at Habagat.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng isolated na pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.
Wala namang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa.