“No” sa panawagang bilateral talks ng China Body

west-ph-sea-map
Larawan mula sa Google

Nagmatigas ang Malacañang sa hirit na bilateral talks ng China para resolbahin ang agawan ng teritoryo sa West Philippines Sea.

Hindi ito mangyayari ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma hangga’t hindi kinikilala ng China ang prinsipyo ng ASEAN Centrality.

Ito aniya ang itinatakda sa Declaration of Conduct of Parties in the South China Sea sa pagitan ng China at mga kasapi ng ASEAN na nilagdaan noon pang 2002.

Naaayon din ito sa patuloy na panawagan hinggil sa pagbubuo ng legally binding Code of Conduct sa pagitan ng mga claimant countries.

Sa kabila nito, tiniyak ni Coloma na nananatili na matibay ang bilateral relations ng dalawang bansa na kamakailan lang ay ipinagdiwang ang ika-40 taong anibersaryo.

Nagkasundo na rin aniya sina Pangulong Aquino at Chinese President Hu Jintao na ang relasyon nito ay hindi lamang limitado sa usapin ng West Philipines Sea.

Ngayong araw uumpisahang ilatag ng Philippine Delegation sa Arbitral Tribunal sa The Hague, Netherlands ang panig nito sa territorial dispute sa West Philippines Sea./ Alvin Barcelona

Read more...