Unang batch ng tablets para sa public school students sa Pasig, nai-deliver na

Nai-deliver na ang unang batch ng tablet devices na ipamamahagi sa mga estudyante sa Pasig City.

Partikular na makakatanggap nito ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Ayon sa Pasig City Public Information Office (PIO), nagsasagawa ng inspeksyon bilang bahagi ng quality control sa mga tablet.

Layon anila nitong matiyak na maayos ang kondisyon ng bawat tablet na gagamitin ng mga estudyante bago ipamahagi sa mga pampublikong paaralan.

Read more...