Solar eclipse, mamaya na

 

Inquirer file photo/AP

Sa pambihirang pagkakataon, masasaksihan ng mga Pinoy ang isang ‘solar eclipse’ mamaya, Miyerkules, March 9.

Ang solar eclipse ay nagaganap sa oras na pumagitna ang buwan sa pagitan ng araw at earth.

Masasaksihan ang ‘total solar eclipse’ o ang pagtakip ng buwan sa kabuuan ng araw sa Indonesia at ilan pang bansa sa Pacific Ocean.

Gayunman sa Pilipinas, ‘partial solar eclipse’ lamang ang magaganap kung saan nasa tatlompu hanggang walompung porsiyento ng araw ang matatakpan ng buwan.

Magsisimula ang eclipse dakong 7:51 ng umaga ayon sa PAGASA.

Mariing pinapayuhan ng PAGASA ang mga nais na makasaksi ng solar eclipse na huwag direktang tumingin sa araw upang makaiwas sa ‘severe eye damage’.

Maaring gumamit ng mga ‘filter’ upang masaksihan ang eclipse tulad ng mga lumang x-ray film at lumang ‘photo negative’ upang masilayan ng ligtas ang solar eclipse.

Read more...