Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 42 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-6:13 gabi ng Huwebes (September 24).
May lalim na 21 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Nakapagtala na ng walong may kalakasang pagyanig sa lugar kung saan ang pinakamalakas ay ang magnitude 5.2 na naganap kaninang alas-10:25 ng umaga.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES