Inihirit ni Senator Francis Tolentino kay Chief Justice Diosdado Peralta na ikasa ang online Bar examination para sa kaligtasan ng examinees.
Inilatag ni Tolentino ang ideya sa pagdinig ng 2021 judiciary budget.
Ayon sa senador, isa ring abogado, ang online bar examinations ay ikinokonsidera na sa iba’t ibang lugar sa Amerika, sa Michigan, District of Columbia, New York at Lousiana.
Sinabi naman ng Punong Mahistrado na pinag-aaralan na rin nila ang posibilidad nang pagkasa ng online Bar examination sa Nobyembre 21, na isasagawa ng sabay-sabay sa Manila, Visayas at Mindanao.
Dagdag pa ni Peralta, pinapayagan naman ang mga 4th year law students na humarap sa korte ngunit kailangan ay may nangangasiwa pa rin na abogado.
Diin lang nito, kailangan pa ring maipasa ang Bar exam bago maging full-pledged lawyer.
Una nang inanunsiyo ng Korte Suprema ang pagkansela sa Bar examinations sa taong 2020 dahil sa pandemiya dala ng COVID 19.
Sabay-sabay na lang na kukuha ng Bar ang mga dapat na examinees sa taong 2020 at sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.